Ayokong maniwala sa Diyos (mo, n’ya, nila o kahit kanino) dahil lang sa kailangan ko (na).

10Oct11

*Pinapa-una ‘ko na, wala akong intensyong mang-offend ng kahit sino sa post na ‘to. Pwede kasing sarili ‘ko lang ang kausap ko (na halos lagi naman talaga ‘pag nagsusulat ako at nasan ka ba ‘te? Kaninong blog ba ‘to?). Huwag ka rin kasing magbasa kung alam mong ang tipo mo ang ayaw kong kausap. Hindi rin kasi bawal ang hindi maniwala sa Diyos. Pustahan pa tayo.

Hindi ako maniniwala dahil lang sa mahirap na ang buhay at wala nang makakapitan. O dahil wala nang choice (dahil ‘di ‘yun posible at dahil laging may choice na umoo o humindi). Pwedeng iniisip mo pathetic ako, kawawa naman ako. Pero pwede rin namang hindi ako pathetic dahil ayoko lang ng maniniwala (lang) ako dahil parang mas makakabuti ‘yun sakin, kasi mas madali. Tipong, “P*ta, di ko na kaya. (At imbes na Batman) God, kayo na po ang bahala.”. Ayoko ng manggagamit. Sawa na akong kung kelan mo sya kailangan, saka mo sya mas naaalala. Saka ka mas tumatawag. (Sasabihin mo, “E bakit kasi saka ka lang tumatawag kung kelangan mo?” tas sasabihin ko sa’yo, “Ba’t never mong ginawa/nagawa ‘yun?” tas kung hindi, O sige, ikaw na ang perfect!)

“Ipasakanya mo na lang lahat yan”. K. Tapos? … Hindi ba parang imaginary friend rin ang turing natin kay God? ‘Di mo sya nakikita, teh (At please lang huwag tayong magpilosopohan at sabihan akong, “sa ganda ng mundo, hindi mo pa ba sya nakikita?” Alam mo ang ibig kong sabihin sa ‘di sya nakikita). (On second thought, bakit ko ba kasi s’ya inaasahan sa imahe ng tao? Inaasahan ko ba s’ya sa imahe ng tao? Hindi ko pa gaano napag-iisipan ‘tong tanong na ‘to pero tingin ko (at ang sagot ko ay base sa hindi masyadong (na hindi ibig sabihin ay hindi na nag-isip) pag-iisip) frankly, oo. Bakit? Bakit hindi bundok? O giraffe? Hm. Kasi in terms of pagco-communicate, mas (sa case ng karamihan ng tao kung meron mang hindi umayon) nagkakaintindihan ang magkaka-uri. Thus tao to tao. Okay.) Tas syempre sasabihin mo, ang hangin hindi mo nakikita, ang love hindi mo nakikita. Pero alam mong andyan sila. K.

Mahirap ba? Mahirap bang hindi maniwala? Sa ngayon? O kahit kelan? Mahirap bang paminsan-minsan o sana laging ang sarili natin ang sisihin natin sa mga kasalanan naman talaga natin at sarili naman natin ang asahan nating gumawa? Na sana wag tayong gumawa na parang may tutulong sa atin (kahit sana meron) o may sasandalan tayo?

“Ipasakanya mo na lang lahat yan.” K. Kayo na po ang bahala sa problema ko. Angdali. Pero pa’no ‘pag hindi ka totoo? Pero pa’no ‘pag totoo ka? Impyerno na ang tuloy ko n’yan. O kaya naman kaunti o wala akong benefits kagaya ng believers. O kaya kung merciful ka nga, baka mapatawad mo nga ako. Tsk. Sayang. Pinahirapan ko pa ang sarili at buhay ko dahil hindi ako naniwala sayo.

Pero pa’no ‘pag hindi ka totoo? Syempre malalaman ko pa ba ‘yun? May makakaalam pa ba nun? E (sa ngayon) ‘di ka naman nakikita?

Ang short-term (at sa iba o karamihan ay long-term) benefits ay nasa paniniwala talaga e. Pero shet. Hindi (pa – dahil pwedeng maniwala ako sa future. Depende.) ako hindi naniniwala dahil lang sa mayroon akong mga kilala at may mga kaibigan akong hindi rin naniniwala (makiuso lang pala ang moda). ‘Yun ang pathetic – ang ipagpasaiba ang ganito kahalagang bagay. Mahalaga kasi kung pa’no gamitin ng iba ang Diyos, parang pundasyon na s’ya – ng ginagawa nila, ng mga ‘di nila dapat gawin, ng mga paniniwala nila, ng pagkatao nila. ‘Yun ‘yun e. Nakasandal ka na.

E di ibahin ‘ko ang paraan ko. I-customize ba. Tsk. Pwede rin.

Pero bakit ba? Kelangan ba pare-pareho tayong may Diyos?

Pero sa totoo lang, tingin ‘ko hindi naman sa Diyos talaga ang problema ‘ko. Kahit kelan naman nasa tao. Nasa tao lang ang problema ‘ko.

Bakit mo iaasa na lang sa Diyos lahat? Bakit mo iaasa ni kahit isang bagay? Bagay na kaya mo namang gawing mag-isa? Bagay na kaya mo namang kontrolin? Bagay na kaya mo namang gawan ng paraan? Lalamunin ka ng black hole. Ni hindi ka magiging Koko Krunch. Lalamunin ka lang siguro ng black hole. Kung wala si God (mo).

……….

Oo, sige. Nakakawala ng bait, nakakasira ng ulo kung mukhang wala ka na talagang magagawa. Walang magagawa in terms of hindi ng pagcut off sa’yo ng magulang mo ng sobrang convenient na financial support kundi mga tipong mag-isa ka o dalawa kayo o kahit ilan na trapped sa bubong ng bahay nyo at tumataas pa ang tubig, at rumaragasa. Tipong sobrang hirap. Halos wala na. Wala ka ng magagawa dahil hindi mo naman kayang lumipad (in case kaya mo ring labanan ang hangin) at maiaanod ka lang kung susubukan mong lumangoy (at ‘yun ay kung marunong ka ring lumangoy). Mukhang wala ka ng pwedeng gawin pa para maisalba ang buhay mo/n’yo nang ‘di ka/sila/kayo namamatay (at dahil wala na rin akong maisip na butas pa para mailigtas kayo o para mabuhay kayo, sorry). Ang natitira na lang para mabuhay kayo ay ang tulungan ng ibang tao. Tao na ‘di nyo kasama. Na galing sa labas. Pero ang sitwasyon nyo ay tipong imposibleng ma-rescue dahil malakas ang daloy ng tubig (mamamatay ang rescuers) o kaya sobrang lakas ng hangin (hindi kayang liparin ng chopper). So wala na. Dahil ekis na ang effort mo/nyo, at ekis na rin ang effort ng ibang tao, hindi naman na siguro masamang maniwala kay God? Na tumawag kay God? Na-exhaust na kasi lahat ng pwedeng tawagin e. Utak mo. Puso mo. Katawan mo. Sarili mo. Ibang tao. Wala na kasing makakatulong sa’yo. Hindi rin naman kasi nage-exist sa totoong buhay ang mga superheroes. Heroes (lang) ang meron tayo (at national hero). Pero hindi ka rin nila matulungan. So okay na ba si God?

Okay na ba si God?

Okay na ba si God?

Okay na ba si God? Okay na ba si God?

(repeat until fade)

..Hindi ‘ko parin actually alam.

Sabi ‘ko nga, nakakasira ng ulo pag nalaman mong wala ng pag-asa. Na wala ka ng pag-asa. Takot ka na ngang mamatay, mato-torture ka pa bago ka matuluyan.

Hindi ‘ko alam kung pa’no ka pa mabubuhay. Baka biglang tumigil ang ulan. At ‘di na kelangang magpakawala ng tubig ang kung saang dam. At wala ng paraan o rason para tumaas pa ang tubig. Nalusaw bigla ang bagyo. Na-bully ko si Habagat. Hindi ‘ko alam kung pa’no mangyayari ‘to. O kung bakit. Hindi ‘ko rin alam kung posible ‘to. Magic. Milagro. ‘Di ‘ko alam. Pwedeng sabihin mong salamat kay God. Hindi ‘ko parin alam. Alam ‘ko hindi na kasing higpit ng mga naunang henerasyon ang henerasyon natin ngayon pagdating sa labels. Uso postmodern. Pero mas naging kumplikado lang ‘ata ang God nyan. Pwede ring hindi. Choice. Pwede rin kasing wala talaga/talagang s’ya. Pwede rin namang meron. Pwede ring hindi ka mamili. Pwede ring hindi ka mamili. Pwede ring marami pang pagpipilian. O wala talaga. O. O..

Advertisements


No Responses Yet to “Ayokong maniwala sa Diyos (mo, n’ya, nila o kahit kanino) dahil lang sa kailangan ko (na).”

  1. Leave a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: