Salamat sa “pagtingin”

01Sep11

Andaling ma-hang up sa first love.

Lalo kung wala namang pumantay – wala namang sumunod (sa kanya).

Hindi ko alam kung pagkatapos nang mahabang panahon (shet, mas di corny pakinggan kung sa Ingles) gumagawa/sumusulat na naman ako ng tungkol sa isang tao. Parang mas gusto kong isipin na sumusulat ako dahil at tungkol sa isang ideya.

Isinisisi ko ito sa dalawang litratong naiprint na rin sa wakas makalipas ang dalawang taon, walong buwan at labinisang araw. Shet, shet. Paninindigan kong mag-Filipino hanggang matapos to.

Alam mo yung angaling na binigyan ka pala ng atensyon…aaargh. Corny talaga. Saka na lang ako magfiFilipino pag galit. Haha

~

My mother and I finally found the time this long weekend to actually go to the studio to have my debut pictures printed. Yes, I know. That debut’s ages ago. (Just last month. HAHAHA, chos!)

Browsing the soft copy of the pictures, I can’t help but be amazed about how long it has been since that night-day and how it was so much fun. We went to the studio to choose the photos to be printed and my mother just let me pick the photos I want.

The Kuya, who was in front of the computer helping me, started with the photos of the eighteen roses. As we were going through it, I thought about how loose the back of my gown was. Haha. The gown’s actually pretty and I love the lace part on the abdomen. It was supposed to be an empire cut but there were times (a lot) when it doesn’t really flatter the figure precisely because it doesn’t fit my body right. Oh well, bumabakla na tayo. Haha, anyway.

Ayun, sabi ko nga, andaling ma-hang up sa first love. The photographer shot four photos of us. Parang yun na ata ang pinakamaraming shots sa eighteen roses maliban na lang nung sinayaw na ako ng Tatay ko. And it’s still funny that after the dance with the star, I thought (and still think) about how weird that I felt like we danced longer than the others. Sabi nila mas di mo napapansin ang oras pag masaya ka. Conversely, pag bored ka, parang ambagal ng oras. Pero, sabi rin nila, pag nakikita mo yung taong gusto mo, parang bumabagal o tumitigil yung oras (okay, cheesy, kill me now). Hmm. Definitely di ako na-bore. Ano ba. Sa unang beses na nagkaroon ka ng bongga at hindi mahihindiang excuse para makausap at kausapin ka ng crush mo na kayo lang  talaga ang magkausap, mabo-bore ka ba? Okay, baka oo kung turns out sobrang walang kwenta pala talaga sya. Pero hindi naman. So okay, hindi ako bored. Eliminate na ang pangalawang kasabihan. Masaya naman ako pero bakit napansin ko pagkatapos na parang angtagal? So eliminate narin ang unang kasabihan. Pero baka naman kasi na-conscious lang ako – sa kanya, sa oras, sa lahat – kaya pagkatapos nun parang antagal. Hmm. Pero sa tatlong kasabihan sa taas, so yung pangatlo na lang – na tumitigil o bumabagal ang oras. Pwede. Pwede. …

..What I thought (and still think), however , was maybe they knew I had a thing for him (kaya baka hindi lang ako dahil totoong matagal yung oras ng pagsayaw). Did they feel it? Or maybe someone told them. Or maybe Ate Abby (the emcee and the party (semi-)organizer) felt that there was something since with the guy friends that I danced with earlier, I just laughed and talked comfortably but maybe I was different with Kuyagurl. Was I awkward? Were we? Tangina. Anghighschool lang neto. Haha.

Hindi ko pa ata nasusulat ang tungkol sa tagal nung sayaw. Pero tingin ko gets mo na sa isang emcee, kelangan lagi ang timing. Timing. (Oo, kelangan ulit-ulit para sa emphasis (at kahit italicized na nga yung unang banggit nung salita. Haha)).

Believe it or not, this isn’t about how long (I felt) that dance took. Specialty ko ata ang incoherence. Sorry naman.

Gusto ko lang pag-isipan at pahabain ang nakita ko sa litrato.

Normal naman na tignan ka ng isang tao pag kausap mo sya at normal ring tignan mo ang isang tao pag kausap ka nya. Pag pinaikli mo yan, normal na tumingin sa isa’t –isa ang dalawang tao pag magkausap sila. K.

Pero gets mo rin naman siguro yung feeling na nalaman mong tinitignan ka pala talaga nung gusto mo habang nagsasalita ka/kinakausap mo sya.

Di extraordinary. Di rin imposible. Pero pwede kasing mahirap tumingin sa isa’t-isa kung medyo asiwa ka. Mahirap maging awkward. At awkward ako. Lalo kung matangkad ka. Mahihirapan talaga akong tumingin sayo.

~

Gusto kong i-upload yung litrato rito. Pero makikita ang pagmumukha mo. Gusto ko lang naman kasi sanang ipakita kung pano mo ako tinignan ka tumingin.

Hindi ako babalik.

Even though I don’t deny I was stupid enough to have fallen in love with the same person for the second time that night.

Ang ultimate test ko sayo ay ang Dead Star. Short story ni ­­­­Paz Marquez Benitez. First year ko ata nalaman yun. O second year. At forever kong ginagamit ang test na yun sayo. Haha. Minsan parang dead star ka nga. Minsan hindi. Madalas hindi ako sigurado pero kunyari dead star ka na lang.

Angsaya mo kasing balikan. Pero OA na ang anim na taon teh. La-lucky number seven ka pa e.

Pero angsaya mong balikan.

Alam mo yung sinasabi nilang minsan hindi mo naman na talaga gusto yung isang tao. Inlove ka na lang sa idea ng love.

Kaya di ko gets ako sayo.

Sinasabi ko lagi na pag ginusto mo nang matindi (o totoo?) yung isang tao, kahit anong mangyari, nakatatak na yun sayo (tsongparemandude, angcooooooorny talaga ng Filipino. Pag Ingles naman bitin sa pakiramdam. Sa Ilocano, anghirap i-articulate at mas lalong *pukes* pakinggan. Kelangan ko na ata ng pang-apat na lenggwahe K) Someone who was once special will always be special. Pag sinasabi ko yan, iniisip ko, “hindi naman kaya unfair yun sa present?”.

Hindi ko alam. Pwedeng oo. Pwedeng hindi. Hindi ko pa ata mane-negate yan o mabibigyan ng proof kung totoo man sa ibang kaso.

Andaling ma-hang up sa first love.

Lalo na kung wala pa namang pumapantay at wala pa namang sumusunod.

Ang mahirap lang, hindi mo alam kung bakit. May hang ups ka ba dahil may dahilan pa talaga, o kasi nasanay ka na lang? Hindi laging masaya, at masakit din naman kung masakit. Pero minsan (o madalas) may mas okay sa pag-stay sa isang bagay kasi sanay ka na lang. Kumportable. Hindi kumportable per se. Kumportable dahil nasanay na.

Alam mo yung feeling na kapag nagbibigay ka sa ibang tao, masaya? Ang sabi-sabi, nasasaktan ka kasi umaasa ka – naghihintay ka ng kapalit. Inisip ko kanina bakit ka nga ba umaasa sa kapalit? Pag nagbigay ka ba ng pagkain sa isang bata sa kalye, kelangan nyang magpasalamat sayo? Mabuting asal ang pagpapasalamat sa kung anong meron ka at nabigay sayo. Pero kung ikaw ang nagbigay, minsan bonus na lang kung magpasalamat ang binigyan mo. .. Okay. Ngayon ko lang naisip. Baka kasi ang konteksto ng pagbibigay sa sinabi ko ay pagbibigay bilang tulong. Binibigay mo rin naman ang (parte ng) sarili mo sa ginawa mong yun.

Anong kinalaman nito? Iniisip ko kasi ang pagkakaiba ng pagbibigay (ng (parte ng) sarili) sa iba-ibang tao. Kung ang pagmamahal ay pagbibigay, anong pinagkaiba nya sa iba pang klase ng pagbibigay?

Baka nga sa konteksto.

Kasi yung pagbibigay mo sa ibang tao ay bigay-tulong.

Pero ang pagbibigay mo sa isang tao (ng parte ng sarili mo) dahil gusto mo sya, tulong ba yun? Konteksto ba yun ng tulong? Parang hindi. Pwede sigurong oo. Hindi ko alam. Sa mga unrequited kasi, madalas hindi nya lang kelangan ng tulong. Pwede rin namang baka kelangan nya talaga.. pwede rin namang hindi rin talaga.. pero kahit anong paligoy-ligoy, kahit anong sitwasyon, basta hindi lang galing sayo. Hindi lang talaga ikaw.

Ayoko nang bumalik. Partida na ang anim na taon.

Pangit lang na madalas magbago ang isip ko.

Sino ba kasing makakaalam ng totoo kung ni host nga nung feeling hirap na mag-isip.

Segue: There were 500+ photos. We had the studio print 132 photos (size 5r). Now a problem’s in what way do I compile them.. :/

Advertisements


4 Responses to “Salamat sa “pagtingin””

  1. Ang saya lang talaga magbasa about sa 1st love ng ibang tao. :))
    Pero di ko gets kung masaya ba ito o hindi. 😛

  2. 3 anthony

    ang haba. pero gets. (ano raw?) haha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: