My life is kinda boring: Isang buwang kuryente

31Jul11

Is it really possible for a laptop (netbook) to consume P900-worth of electricity? Even if it’s used 24/7?

Hindi ko talaga gets. Hindi ko alam kung sobra ba ang itinaas ng rate ng Meralco mula nang 2nd quarter ng taon at bakit P900 ang kelangan kong bayaran para lang sa isang laptop na di ko naman 24/7 ginagamit (max 12hrs/day lang naman). E kung tutuusin sa dati naming apartment na may ref ( di yung personal), TV, radyo na halos magdamagan, ilaw na minsan ay magdamagan din at laptop AT internet na MADALAS magdamagan e di naman lumalagpas ang bill namin ng P800/month.

P*cha, magdala na rin ako ng ref dito.

Kung madali lang ang buhay, Kung mabuti lang akong anak, Kung hindi akong laging sumusuway sa utos baka pagbigyan pa ako ngayon.

Pakshet, P900 lang yan mahmen. P900 lang. Pero eto: wala na akong allowance at walang di vague na gusto sa buhay (therefore walang trabaho at di naghahanap ng trabaho), at higit sa lahat alam ko ang katotohanang matagal na akong delayed sa pag-cross papuntang adult world kaya tinubuan na rin naman ako ng hiya para humingi pa sa magulang ng moolah, o kahit kung ano nga lang. Gets? Kaya anlaki na ng P900. Yan ang panghihinayang na parte pero di ang major reason ng init ng ulo ko.

Sige, talo na ako. Nalaman ko paggising ko kanina na nag-usap na pala ang Nanay at landlady ko kaninang umaga sa telepono (kinuha daw kahapon ng landlady namin sa kapatid ko ang landline namin sa probinsya). Sabi daw ng landlady ko sa Nanay ko, okay lang kung magkano ang kaya ng Nanay ko. Nag-insist ang Nanay ko na bayaran ang P900. Hindi ko alam kung dahil ayaw nay lang bang masira ang kung anong meron sila ngayon o pride nya lang o (ngayon-ngayon ko lang naisip ito:) pride nya lang talaga na kahit promding -promdi sya tumawad (read: tatawaran halos lahat ng bagay), may pera naman talaga sya at kulang-kulang tatlong prepaid load cards lang naman ang P900 (Oo, simula’t sapul sya ang naglo-load sa telepono ko. Pati rin sa telepono ng Tatay at kapatid kong babae). Hindi ko alam.

Sinubukan kong mag-rant sa kapatid ko. Inisnab nya lang ako at sinabing naayos na.

TANGINA. Ako lang ba? Ako lang ba ang naapektuhan ng bongga sa siyam na raan na yun? Siyam na raan na dati-rati e kaya kong gastusin ng isang gabi para lang sa pag-inom? Shiyet.

Di ko gets. Di ko talaga gets. Andami kong nakikitang pwedeng maging dahilan ng mataas na konsumo ng kuryente pero nakakapagod. Di ko pa nap-prisinta ang mga teorya ko, pagod na ‘ko. Hindi ako nuknukan ng talino o galing pero marunong akong umitindi – isang bagay na kulang ata, kung hindi man absent, sa ibang tao.

Hindi ba nakakairita? Hindi ba nakakainis na alam mong may laban ka pero nakikini-kinita mo nang walang patutunguhan (bonus pa ang magkakaroon/darami ang kaaway) kasi bata ka lang? Galing ka sa pinaka-prestihiyosong eskwelahan pero di yun sapat kasi yun lang at bata ka lang (di pa nakatulong na mukha ka talagang bata)?

Alam ko ilang beses ko nang sinabing ayoko pero dahil sa issue na ito, naisip kong pumasok sa law school. Tama. Ang dinedespise kong daan na laging una (at nag-iisa) na choice ng mga tao kung saan ang mga taong kumuha ng kurso kagaya ng akin ay pumapatungo. Hindi ko alam kung kaya ko sya o hindi pero medyo malinaw sa akin na di ko sya kayang panindigan. Angsatisfying lag isipin na sa inaral mo sa lugar na yan, feeling parang angdami-dami mo nang alam. Tipong hindi ako takot o matatakot sayo dahil ikaw ang dapat matakot sakin.

Angas. Badtrip.

Guilty siguro ako kasi ako halos ang gumagamit ng laptop (na di naman laging productive). May feeling ako na nangg-guilt trip ang Nanay ko para matauhan naman na ako (at magbago?). Pero hindi. Mukhang overthinking lang yun. Hindi naman ata ganun ka-complex na mga tao ang mga magulang ko. : |

. . .

Hindi ako naiinis o galit kasi natalo (read: hindi ko naayos ang issue) ako. Umiinit ang ulo ko kasi nanalo ang walang katwiran. Nanalo ang kulang sa pag-intindi. Nanalo ang mukhang mali. Hindi talaga ako maniniwala sa P900/mo laptop usage charge na yan hanggang walang nagp-prisinta sa akin na tama nga yan. Dahil kung tama yan, hindi ba dapat wala ng hanapbuhay ang maraming tao sa Krus na Ligas?

. . .

Anghirap. Anghirap na kaya mong i-point out ang mga mali pero magugulo ang lahat. Hindi ko kasing restless at aimless ang pamilya ko. Mahirap mandamay ng mga taong di mo naman kagaya.

So keri lang? Kunyari bulag na lang tayo? Sobrang maawain akong tao, pero anghirap igalang ng mga matatanda lalo na kung alam mong mali sila.

Advertisements


3 Responses to “My life is kinda boring: Isang buwang kuryente”

  1. Congratulations. Sa rant na ito, mukhang nagcross ka na sa adult world. :))

    • 2 Tin

      . . . Baka ayoko pa talaga kasi. : ) Hoho

      • Baka nga. Feeling ko rin malapit mo nang gustuhin. Hahaha. It’s just a matter of kung kelan ka magsasawa sa post-UP crisis mo. 😛


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: