I find peace when I’m confused. -Switchfoot (You)

15Apr11

(05:49PM)

Isa pang kembot – na pinatagal ko ng isang taon at dalawang linggo. Baka dahil mahiyain na din ako. : )

Isa pa. Pag naiayos ko to ng matino at napasa

Pag natanggap ko nang dapat na kaya sige pa (at ayusin na talaga), baka okay na. Last na.

Bukas ipapasa na kita kahit ngayon pa lang naman talaga kita aayusin (kaya goodluck sakin) at di ko pa alam kung pano ka ipapasa (goodluck uli).

Nagma-martsa na ang mga kasabay ko, pero ako ay natutulog, nagi-internet, at nagbabasa ng di acad-related. Pero kebs. Hindi porket di (ka) magma-martsa, di (ka) ga-graduate. Sorry sa Nanay at Tatay ko. Pero pag nag-Master’s ako, di ko na (po) ipagkakait ang maka-akyat kayo sa entablado kasama ko (pinapa-akyat ba sa stage ang parents pag grad? Haha)

Bukas habang nagma-martsa ang mga nasa college ko, baka naga-ayos parin ako o/at nagpapasa na (di ko kasi alam kung anong oras ang grad. Hehe). At sa isang araw (Linggo), habang siguro nae-excite ang iba para sa university graduation, alas-kwatro pa lang ng madaling-araw, naroon na ako sa Tiendesitas para sa annual kong pilgrim. Chos. Annual na Tour of the Fireflies yun – na sa pangatlong taon na ngayon laging isa sa mga highlight ng summer ko. Oo, di ako magma-martsa, etc, pero mahal ko namang mag-bike at mag-volunteer at ang mga nakakasama ko doon. Okay na rin yun. : )

Pero basta, pag natapos ang grad rites na yan, hindi ako pwedeng hindi makakuha ng sunflower sa Univ Ave. Limang taon ko na rin kayang pinapangarap yun. : )

Advertisements


4 Responses to “I find peace when I’m confused. -Switchfoot (You)”

  1. 1 csiy

    panalo ang pagkukuha ng sunflower sa univ ave! 🙂 naiimagine kong kinukuha mo ang sunflower at tumatakbo habang hinahabol ka ng guard… ahahaha!

    CONGRATS! AYLABYOO!

    • Haha. Kung pupunta ako sa induction, will you help me get sunflower(s)? Hahaha. Akala mo isang bungkos ang kukunin e. 🙂

  2. 3 Val

    Never ko pa nakitang in full bloom yung mga yon. Parang gusto ko tuloy mag-jeep papuntang UP bukas para lang makita sila.

    • Haha. Nakita ko sila kahapon. At nakakatawa na may nag-bloom na pero sa likod naman sila naka-pwesto so di ganun kita pag along Univ Ave ka. :p


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: