And you’re not gonna reach my telephone (Lady Gaga, 2010)

11Feb11

Kaya may konsepto ng follow-up. At ng second (chances). At ng more. Kagaya ng pagkakaroon ng konsepto ng pagkakamali, ng kahinaan, ng paghingi ng tulong. Wala naman akong naaapektuhang ibang tao. Hindi kagaya ng pagkaapekto ko sa sarili ko. Wala na akong panahon. Sira-ulo akong tao (hindi literal). Sinagad ko lahat ng pwedeng sagarin. Lumagpas na nga ata. Kaya nga humihingi ako ng pang-unawa at pagtanggap. Kung ano man ang konsepto ng moralidad, tingin ko hindi ko pa naman nababali yun. Wala akong panahon at hindi lang ako yung tipo na magsasayang ng oras sa mga bagay na kagaya ng iniisip mo. Oo, sa eskwelahan na naman ito. At sa pamilya. Pero eskwelahan naman ang trigger. Yun lang naman ata ang lagi kong prinoproblema.

Naisip ko bigla kaninang madaling-araw (dahil ini-insomnia na naman ako), Sabihin na lang nating pagod na’kong maging estudyante. Tapos na (dapat) ang panahon ko dito. Alam kong mami-miss ko rin ‘to pag-alis ko. Pero ganun naman talaga sa lahat ng bagay na natatapos o naiiwan mo.

Hindi ba?

Pagod na kasi ako. Masaya ang buhay. Pero mahirap mabuhay. Lalo na kung kagaya mo ako. Na parang (at pakiramdam) walang kwenta. Kasi ang mga magulang ko ay pakiramdam na nakakahiya na ako kasi sumobra na ako ng isang taon sa kolehiyo. At pangit pa ang grades. Nag-limang taon pa ako e kung tutuusin tatlong beses akong pumasok sa eskwela ng summer kahit di naman kelangan (wala sa curriculum). Gago, diba?

Siguro hindi lang naman ako ang nakakaramdam/nakaramdam na ng ganito. Hindi ko alam. Siguro. Minsan naiinis na nga ako sa mga nagsasabi (ng may pagmamalaki pa nga minsan) na sa eskwelahan namin normal na ang ma-delay. Normal na ang sumagad sa taon mo sa iskwela. Normal na ang maka-ilang bagsak ka – sa parehong subject pa nga. At umulit-ulit pa. Hindi ko alam. Normal na siguro kaya parang okay lang. Siguro dahil pinakamagandang eskwelahan daw ang pinasukan ko. Mahirap. Baka kaya normal umulit. Pero baka dahil lang madaming napasok na sira-ulong (ulit: hindi literal) kagaya ko. Pero minsan sa pagsasalita ng taong nagdaan na rin sa eskwelahan ko, parang ang astig pa nga na karakteristik ng mga nabanggit ko sa taas. Sinabi ko na ba kung ba’t ako naiinis? Kung hindi pa, eto na: Kasi yung ibang nagsasabi nun, hindi naman talaga nakaranas halos nun. Hindi nyo din naman talaga alam ang pakiramdam ng mga yun. Hindi lang pressure sa iskwela ang nararamdaman, minsan ume-epal (hindi pala epal, sorry) din ang pamilya. Pati ibang tao. Kasi akala mo ang-galing galing nila na hindi na pwedeng mawalan ng drive sa buhay. Kahit minsan lang. Kahit ngayong estudyante lang. Kahit gusto rin naman talaga naming hwag maging ganito. O maging mas magagaling pang mga tao (ngayon at sa future, yeah). Ayun. Nawala ako. Teka. Ayun. Kasi minsan, hindi ko alam, pero pakiramdam ko, oo, normal na satin (sa eskwela natin) ang ganyang issue (delay, cinco, and all), pero iba parin ang tingin sa maaagap (on time) sa mga alam mo na (dq daw, in a way. o kaya ways para baka madaming rason). Hindi ba?

1: Uy! Graduate ka na?

2: Di pa po.

1: Teka, anong year ka na ba?

2: 5th yr po.

1: E anong course mo?

2: *insert 4yr course*

1: Di ba apat na taon lang yun? (Delingkwente naman ng batang to. Di nag-aaral ng mabuti)

2: Opo. (Paksyet)

Syet. Insecure lang ata ako. Oo nga. Haha. Hindi naman kasi ako secure. So negate ang secure, e di yun. Anyway. Yun lang ata. Wala na akong maisip. Nanay ko kasi. Gusto ko lang lumipat ng bahay para makapag-aral ng matino, kunyari pa gets ang lahat ng rason ko. Pero di naman. Di naman talaga. Kaya angsakit-sakit na. Chosss. (One More Chance ba yun? Haha, cool.) Hayun. Pucha, may exam pa ako. Gusto kong matulog na lang at gumising ng maaga bukas para mag-review (oo) pero alam kong di na naman ako makakatulog hangga’t di tumitilaok yung pesteng tandang sa kapitbahay na mamaya pa atang alas-singko. Kaya baka ngayon na lang. Hi, guys! 🙂

Advertisements


No Responses Yet to “And you’re not gonna reach my telephone (Lady Gaga, 2010)”

  1. Leave a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: